Nalaman ni Duan Ling Tian ang pagkakaiba ng inner city at outer city mula sa babaeng tagapaglingkod.
Kumpara sa outer city, ang presyo ng lupain sa inner city ay lubos na mahal.
"Young Master, pupunta ba tayo sa inner city?" Tumingin si Ke Er kay Duan Ling Tian.
Ngumiti si Duan Ling Tian at sinabi, "Hindi tayo nagmamadali, dahil mayroon pa tayong ilang oras bago ang takip-silim. Tapusin na na'tin ang pagkain at bumalik muna sa inn.
Masunuring tumango si Ke Er.
Habang sila ay paalis ng restaurant, napagdesisyunan na ni Duan Ling Tian na mamaya, sa takip-silim, ay papasukin nila ang inner city at maghahanap ng inn upang panirahan, at pagkatapos noong ay bibili siya ng courtyard house bilang bahay ng kaniyang pamilya sa Imperial City. Gugugulin pa naman niya ang susunod na ilang mga taon sa Paladin Academy.