Kahit na ang paggamit ng isang pana upang palihim na umatake sa
isang tao ay hindi ganoon kaelegante, kailangang aminin ng isang tao
na ito ang pinakaepektibo at ito ay isang direktang paraan.
Dahil sa rasong ito, pasimpleng pinino ni Duan Ling Tian ang pana at
ang palaso upang hindi ito kuminang.
Ang pana at palaso ay nakakapagpakita lamang ng nakakasindak na
kapangyarihan nito kung bigla itong mahuhuli.
"Hindi mahalaga kung ito ay ang pana o ang palaso, parehas naman
itong Royal Grade Spirit Weaponsβ¦" Ang paningin ni Duan Ling Tian
ay napunta sa pana at palaso na kulay itim na itim. Sa isang pagtaas
ng kaniyang kamay, isinanib niya ang kaniyang Origin Energy
patungo sa dalawang ito nang magkahiwalay hangga't mayroong
isang malutong na tunog na lumabas sa mga ito.
Whoosh!
Nang biglang, ang kamay ni Duan Ling Tian ay nahatak bago tumira
palayo ang palaso.