"Aray! Masakit!" Mahigpit ang pagkakahawak ni Duan Ling Tian sa kaniyang ulo na para bang nahahati sa dalawa habang lumalabas sa kaniyang bibig ang isang halimaw. Sa sandaling iyon, para siyang isang sugatang hayop.
Bigla siyang pinagpawisan na para bang umuulan.
Clack! Clack! Clack!
…
Patuloy na tumutunog ang mga ngipin ni Duan Ling Tian at gumagawa ng kakaibang mga tunog na tatakot sa sinumang makaririnig nito.
"Pilyo?"
"Young Master?"
Tumayo sa gilid sina Li Fei at Ke Er, nakararamdam ng kaba dahil hindi nila alam kung ano ang sumanib sa kaniya, ngunit hindi sila naglakas loob na magpadalus-dalos. Tanging panoorin na lamang siya habang nag-aalala ang kanilang magagawa.