Sa tatlong Island Master, ang kalagayan ng mga mahahalagang disipulo sa Hidden Fog Island ay katumbas ng mga tapat na disipulo sa Cloud Continent.
"Sister Ke'er, mukhang hindi natin magagawang pumunta sa Hidden Fog City ngayong araw… Bagaman umalis na ang dalwa pang kasamahan, maaaring nagtatago lamang sila sa malapit. Tiyak na susundan nila tayo sa sandaling umalis tayo." ani ng naka lilang babae sa babaeng kasuhnod niya.
"Ayos lang iyan, Sister Fei'er… Aalis na tayo matapos ang ilang araw."ang pagtatapos na pagsasabi.
Ang dalawang babae ay sina Li Fei at Ke'er. Sinundan nila ang Martial Emperor na si You Han sa Hidden Fog Island.
Kahit na mga tiyak na disipulo sila ni Martial Emperor You Han, naging mahirap sa kanila na makamit ang kamangha-manghang resulta sa kanilang kasalukuyang abilidad sa Martial Competition ng Hidden Fog.
Pumunta sila sa Hidden Fog Island para lamang manuod.