Lahat sila ay nasa ilalim ng ika-apat na antas ng Martial Monarch Stage, kaya ang kanilang tirahan para sa susunod na anim na buwa nay ganap na naiiba mula sa ibang dalawang grupo ng mga tao.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang tatlo ay sinundan ang matandang lalaki at tumungo sa kabilang gilid ng Ling Xuan Peak.
"Sa sumunod na anim na buwan, isa pang disipulo ng Martial Emperor ng Ling Xuan Peak at ako ay poprotektahan kayo. Ako asi Qiao Zhong, isang disipulo ng Martial Emperor ng Ling Xuan Peak," nagpakilala ang matandang lalaki sa kanila.
Isang disipulo ng Martial Emperor!
Nang marinig ang mga salita ni Qiao Zhong, maliban kay Duan Ling Tian na nanatiling kalmado mula sa simula, ang ibang dalawa ay bahagyang nagulat.
Gayunpaman, sa sandaling maalala nila kung ano ang sinabi ni Qiao Zhong kanina, nagtinginan sila at sila ay walang masabi.
"Protektahan?"