Ang biglaang pagsigaw ni Xiong Quan ay naging dahilan upang ang mga taong nagtago sa isang sulok sa labas ng courtyard ay hindi na nagawang magtago pa nang mas matagal, kaya't lumabas na lamang sila.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Xiao Yu.
Nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Duan Ling Tian, tila ba hindi man lamang ito nagpabigla sa kaniya.
"Luo Ho, Luo Kian, sinusubaybayan niyo akong dalawa!" Nagalit nang sobra si Luo Qian at bahagyang namutla nang makita ang dalawa.
"Luo Qian, utos ito ng Patriarch." Ang dalawang bata ng Luo Clan ay mayroong kalmadong eskpresyon.
Huminga nang malalim si Luo Qian at hindi pinansin ang dalawa bago tumingin kay Duan Ling Tian at Xiao Yu. " Pareho kayong kaibigan ng aking kapatid? Ngunit nagtungo ang aking kapatid sa Iron Blood City at hindi pa nakababalik."
Tumingin sa isa't-isa sina Duan Ling Tian at Xiao Yu na mayroong mapait na mga ngiti sa sulok ng kanilang mga bibig.