"Ginoo at binibini, bigyan niyo ako ng ilang sandali," sabi ng babae na nagdala kay Duan Ling Tian at Feng Tian Wu dito bago siya umalis at pumasok sa may pulang tela.
Sa pagkakataong ito, si Duan Ling Tian at Feng Tian Wu lamang ang naiwan sa labas.
Sila ay matiyagang naghintay.
'Talagang naglagay pa sila na kontra ingay na Inscription Formation?" pinalawig ni Duan Ling Tian ang kaniyang Spiritual Energy. Natuklasan niya na ang malaking bakal na balangkas na nababalot ng pulang tela ay mayroong Inscription Formation.
Hindi mahirap kay Duan Ling Tian na matuklasan na ang Inscription Formation ay para sa kontra ingay ng lugar.
…
Maliwanag sa pinaghihintayan nila. Makikita na ang maraming silhouette na abala sa pagtatrabaho doon at dito.
Ang babae na nagpaalam kayla Duan Ling Tian at Feng Tian Wu ay pinatigil ng isang lalaki. Ang lalaki ay nagtanong ng may mababang boses, "Bakit ka nandito? Hindi mo ba alam ang mga alituntunin?"