Sina Nie Rong at Meng Ping ay nagtinginan, at silang dalawa ay nakikita ang takot sa kanilang mga mata.
Tanging isang martial artist lamang na nasa Void Interpretation Stage pataas ang maglalaho sa kawalan nang hindi napapansin ang kanilang mga paggalaw. At saka, mukhang hindi siya isang ordinaryong martial artist na nasa Void Interpretation.
Kahit na naghinala sila na ang cultivation ni Duan Ling Tian ay nakapagtagumpay na sa Void Interpretation Stage, sila ay nagulat pa rin nang masaksihan nila ito gamit ang kanilang mga mata. Lalo na noong mapagtanto nila na si Duan Ling Tian malamang ay mas malakas kaysa sa isang martial artist na nasa una, pangalawa o pangatlong antas ng Void Interpretation.
"Little Tian siya... ay nasa ika-apat na antas ng Void Intepretation pataas?" Tinanong ni Nie Rong ang kaniyang asawa gamit ang Voice Transmission. Tumingin siya rito na para bang naghahanap siya ng kumpirmasyon mula sa kaniya.