'Sword Saint?'
Kumitid ang tingin ni Duan Ling Tian nang makita ang isang pangungusap na nakasulat sa pader. "Itong si Feng Qian Yang ay talagang matapang… Tinatawag niya ang sarili niya bilang isang Sword Saint!"
Sa opinyon ni Duan Ling Tian, ang isang taong mangangahas na tawagin ang sarili bilang isang Santo ay isang taong napakalakas.
'Sword Saint!'
Ang taong tatawag sa sarili niya ng gan'on ay dapat mayroong malalim na pag-unawa sa Sword Dao.
"Kung si Feng Qing Yan ang nag-iwan ng salitang 'Ispada' ay mukhang naglagay siya ng pagsumpa rito… Marapat nga lang siyang bansagan bilang Sword Saint!" bulong ni Duan Ling Tian sa sarili niya habang nakatingin sa mga tatak na may limang salita sa harap ng kanyang mga mata.