Nang makarating sa mga matataas na miyembro ng sangkatauhan na kagaya ng City Leader ang balita, agad nilang naisip na isang supreme master ang nilalang na pumasok sa Redbud Island, ito ang unang bagay na pumasok sa kanilang mga isipan… ginagawa na ng mga lahi ng insekto, demonyo at automaton ang lahat para mapatay si Luo Feng, at nanatili lang ito sa loob ng Redbud Island ng ilang mga taon. Kaya noong wala na silang maisip na paraan, agad na pinili ng tatlong mga lahi ang pinakamabisang paran—ang pagkuha sa isang supreme master para patayin si Luo Feng. Malaki ang posibilidad na ganito ang nangyari sa para sa matataas na miyembro ng sangkatauhan!
Nang maisip ang bagay na ito, agad na nagulantang ang City Leader. Mabuti na lang at palaging nakakonekta ang diwa ni Luo Feng sa virtual universe kaya agad na nalaman ng city leader na buhay si Luo Feng sa mga sandaling iyon! Dito lang nagawang kumalma ng City leader.