"Ancestral God?" Tumingin si Luo Feng sa pinagmumulan ng boses. Isang nilalang ang lumipad pataas mula sa isang ordinayong palasyo na malapit sa kinatatayuan ng kanyang palasyo. Isa itong nilalang ng ibang lahi na may isang dosenang talampakang taas at anim na mga braso. Nasa anyong tao ito na may makakapal na mga binti, pero nagkaroon ito ng mukha sa bawat sulok ng kanyang ulo. Nagpakita ng magandang ngiti ang mukha nito sa harapan habang naging mabangis at nabalot naman ng kadiliman ang mukha nito sa likuran.
May hawak hawak na tig iisang stick ang bawat isa sa anim nitong mga braso, at mayroon ding apat na mga seksyon sa bawat isang stick na nagmukhang mga parrying dagger sa Daigdig. Kulay puti ang tatlo sa mga parrying dagger habang kulay itim naman ang natitirang tatlo, dumaloy ang napakatinding lakas mula sa bawat isang parrying dagger na hawak nito.