Nagtinginan sa isa't isa sina Ce Tian Knight at Feather Dark Knight at nagpakita ng kanilang mga iniisip sa isa't isa gamit ang kanilang mga tingin. Natakot sila nang kaunti sa Golden Horned Beas na ito pero isa lang itong pakiramdam. Sabagay, masyado na silang malayo kaya hindi na magagawa pa ng Nine Tiger River nitong magbigay ng pressure sa kanilang dalawa. Kung wala ang epekto ng Nine Tiger River, madali na silang makakalipad nang mabilis papunta sa bilis na mas mataas ng 100 beses kaysa sa lightspeed ng orihinal na kalawakan. At sa sandaling mangyari iyon, hindi na sila mahahabol pa ng Golden Horned Beast. Pero sino bang may gusto na mamuhay na parang isang asong kalye na palaging tumatakbo mula sa mga tao.
"Wala kaming intensyon na maging kalaban mo, pero masyadong nagpupumilit si Demon Sword Knight na patayin ka kaya wala na kaming nagawa kundi sumangayon sa kaniya." Sabi ni Ce Tian Knight gamit ang matanda niyang boses.