Sa loob ng isang iglap, naging isang rumaragasang itim na liquid ang nakaitim na imahe ni Luo Feng at naging isang bato. Matapos nito ay direkta itong bumagsak papunta sa ilalim ng apoy.
Habang bumabagsak ang bato, patalbog talbog itong bumagsak papunta sa pinakailalim na bahagi ng bundok.
Pa!
Tumama ang bato sa isang namumula sa init na batong pader at tuluyan nang tumigil sa pagbagsak. Dito na bumalik sa pagiging isang nakaitim na Luo Feng ang batong ito.
"Nakarating na ako." Sabi niya habang tinitingnan ang tanawin sa kaniyang harapan. Hindi niya maiwasang sabihin na "Napakaganda!"