"Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ako binigyan ng aking Shi Wu Wing ng detalyadong impormasyon noong maipakilala ko ang aking sarili bilang master nito." Sabi ni Luo Feng "Iniisip ko noon na isang hindi mapapantayang nilalang ang gumawa ng Shi Wu Wing at hindi ito nagiwan ng impormasyon sa binuo niyang kayamanan. Pero ang tunay palang rason ay dahil isang bahagi lang ng hiwahiwalay na set ng mga tunay na kayamanan ang Shi Wu Wing! Sabagay, sinabihan ako ng city leader noong ibiay niya ito sa akin na walang sinuman sa buong kalawakan ang nakakaalam tungkol sa Shi Wu Wing, at sinabi rin niyang hindi siya ang bumuo nito. Mukhang mas misteryoso pa kaysa sa inaakala ko ang Shi Wu Wing. Nakarecord ang impormasyon ng Shi Wu Wing sa isang libro na ibinigay sa akin ng city leader kong guro."
Naaalala pa ni Luo Feng ang tungkol sa librong ito. Idinetalye nito ang talong iba't ibang mga form ng Shi Wu Wing na nadiskubre ng city leader nang pagaralan niya ito.