Mukhang hindi alam ni Nine Remoteness Master kung bakit kumuha si Luo Feng ng tubig sa Bloody Sea—o baka alam na niya kung bakit—pero mayroon pa siyang ibang mga plano. Kahit na alin pa ang maging rason dito, nagtagumpay pa rin si Luo Feng sa kaniyang plano!
"Wala akong pakialam kung malaman man niya ito o hindi. Basta ang pinakapunto ko rito, magagawa ko nang maging mas malakas! Magagawa ko na ring buohin ang ikatlo kong katawan sa pamamagitan ng tubig mula sa Bloody Sea."
Nasabik dito si Luo Feng. Iniisip niya na makakakuha siya ng kaunting tubig mula sa Bloody Sea sa pamamagitan ng utang na loob ni Nine Remoteness Master sa City Leader, pero hindi niya inaashang tatanggapin siya nito bilang isang miyembro ng sub organization bilang kapalit.