"Bumalik na muna kayo at magpahinga, hayaan mo na muna akong makapagisip." Sabi ni Luo Feng.
Nagpalitan ng tingin sina Luo Ping at Luo Hai bago umalis, iniwan nilang magkasama sina Luo Feng at Xu Xin.
Habang naglalakad palayo, hindi maiwasang sabihin ni Luo Ping na "Luo Hai, bakit mo pa sinabi kay papa ang tungkol dito. Kapapasa pasa pa lang niya sa tinanggap niyang nakamamatay na pamana nang ligtas, pero nagawa mo nang sabihin ang tungkol sa mga ganitong klase ng bagay. Hindi ba't muli siyang mapapasok sa panganib nang dahil lang diyan? Hindi mo ba alam kung gaano katindi ang mga imigranteng ito?"
"Hi, Hi…hindi ko lang talaga matiis ang mga ginagawa nila sa atin." Nanghihinang sinabi ni Luo Hai.