Ang sangkatauhan ay isa sa apat na mga nangungunang lahi. Ang sinumang may kakayahang tumungtong bilang ikatlong henyo sa kanilang assassination list ay siguradong may hindi pangkaraniwang talento, lakas ng isipan at engkwentro, kagaya ni Seven Blade Emperor. Nakumpirma na ng mga automaton na nasa kaniya ang kayamanang Seven Blades at ang iba pang kayamanan na kagaya ng Space Grasp at iba pa. Siguradong nakatanggap din siya ng espesyal na pamana mula sa isang universe master noon.
"Maaaring nagmula sa isang nangungunang fighter sa kalawakan ang pamanang natanggap niya, ang Ancestor God, at isa itong hindi mapapantayang pamana." Sabi ni Life Fall Emperor "Kung magpapatuloy pa siya sa paglakas, siguradong magiging isa siyang hindi mapapantayang nilalang ng sangkatauhan sa hinaharap."
"Kinakailangan natin siyang patayin."