Sa loob ng mga kuweba ng isang biak na bahagi sa mga oras na ito.
Limang mga Lei Quan sector lord ang naguusap at nagtatawanan sa loob ng kuweba.
"Hindi na masama ang mga nakuha nating contribution points sa mga oras na ito, superior. Kung magpapatuloy pa ito sa pagbilis, siguradong magkakaroon ka na ng sapat na mga contribution points. At kapag nangyari iyon ay puwede na kayong bumalik at maabsorb sa sacred land!" sabi ng isang fighter na may katawan ng leon na may 6 mga paan ang nababalot ng berdeng mga kaliskis at may torso na parang isang tao.
Ang pinakamatangkad naman sa kanilang Lei Quan fighter na mayroong 25m na taas ay tumawa ng malakas.
"Tama, magsisisi talaga ang sinumang mangmaliit sa inyo."
"Iisipin lang ng iba na namatay ito sa mga digmaang naganap sa labas."
Malakas at tuwang tuwang tumawa ang marami sa kanilang nagmula sa iisang lahi.