Malakas na yumanig ang madamong lupain habang tumatama rito ang malabundok na katawan ng golden horned beast. Makikita sa mga kaliskis nito ang mga bakas mula sa ginto nitong dugo at ang ilang parte ng kanyang kaliskis ay mukhang napinsala habang tumutuo ang gintong dugo mula sa kanyang mga mata at ilong.
Agad na bumalot ang isang alon ng world energy sa buong katawan ng golden horned beast at sinimulang gamutin ang kanyang sugat.
Sa Beast God canyon ng Laos World sa realidad.
Biglang gumawa ng mahinang ingay na nagpapakita ng sakit ang nakaindian seat na si Luo Feng kasama ng ilang daang milyon fighters ding nakaindian seat na nagsasanay sa lugar na ito, kumapit nang husto ang pareho niyang kamay sa mga batong nasa lupa at agad na pinulbos ang mga ito.
"Kamahalan?"
"Ok ka lang po ba, kamahalang Luo Feng?"