Matapos makipagusap sa kanyang asawa sa loob ng isang sandali at makipagkita sa dalawa niyang anak nang magkahiwalay, ang Luo Family ay nagsagawa ng isang seremonya kinagabihan.
Dito na nagsisugod pabalik ang mga disipulo ng Luo Family mula sa kalawakan.
Kinagabihan nagsimula ang pagtitipon, makikita ang pagsigla ng hall dahil sa dami ng mga disipulo sa loob nito.
"Pagbati sa inyo, leader!" Nasa 2000 na tao ang buong galang na lumuhod sa loob ng hall.
"Haha…" Umupo naman si Luo Feng sa main seat at ngumiti habang tinitingnan ang mga tao sa kanyang ibaba, ang 2,000 tao ay napuno ng parehong lalaki at babae, sa loob ng higit 200 taon ay masyado nang marami ang henerasyong isinilang, ang pinakabata sa mga sandaling ito ay ang ika-11 na henerasyon ng kanyang mga apo! May kabuohang bilang ito ng 500 lalaki sa 2000 na tao sa kanyang ibaba.
Ang natitira na rito ay binubuo ng kababaihan, siyempre, mas naging marami ang kanilang mga manugang at iba pa.