"Nagbago na ito."
"Kumaunti ang bilang ng mga tao sa loob nito." Tingin ni Luo Feng sa isang city na nasa kanyang ibaba habang lumilipad.
Walang halos kahit anong lugar para sa pagsasaka o pagtatanim dito, binubuo na lang ito ng mga tirahan ng tao, mga bahayan at mga city. Masyado na ring naging maganda ang mga city habang ang kalangitan ay puro at kulay asul, napuno naman ng halamanan ang kalupaan, maging sa pinakamalalaking siyudad ay pambihira ka na lang makakakita ng naglalakihang skyscrapers, tanging ang mga natirang skyscraper ay nagmula pa noong 200 taong nakalipas.
"Saan po ba kayo nakatira dati kamahalan?" nakangiting tanong ni Dylan.
"Doon!" Turo ni Luo Feng sa isang advanced na city sa malayo. "Ang Yang Zhou city ng Jiang Nan Headquarter city ay isa sa 8 na naglalakihan nitong city, at hindi nila binago ang pangalan ng lugar na ito, pero nagbago naman na ito nang husto."