"Tingnan mo nga ang tuwang tuwa mong mukha," nanlolokong sinabi ng imaheng ginawa ng isang energy na si Babata.
"Paanong hindi ako matutuwa?" Ibinaba ni Luo Feng ang wine glass at itinaas ang estatwa ng diyos na halimaw. At habang nakatingin sa napakalawak na space sa ilabas, ang paligid ay nagliwanag at napupuno ng alikabok at hamog. Makikita rin ang lumulutang na meteorites sa paligid.
Gumanda ang mood ni Luo Feng habang nakatingin sa walang katapusang kalawakan. At habang tinitingnan ang hawak niyang estatwa ng diyos na halimaw, naramdaman niya na ang estatwang ito ay parang isang buhay at sinaunang halimaw na sumisigaw sa kanyang harapan. Mukhang kumakatawan ang halimaw na ito sa mga origin laws. Napatingala rin ang golden horned beast ni Luo Feng sa loob ng kanyang internal world para sumigaw, malakas itong maririnig sa buong internal world ni Luo Feng.
"Ito na nga iyon!"