Humiga ang ikatlong kristal sa ibabaw ng mga kaliskis sa kanang kamay ng Golden Horned Beast. At sa loob ng isang mabilis na paghiwa mula sa kabila nitong kamay, agad na nahiwa ang mga kaliskis na sinabayan ng pagtulo ng sariwang dugo. Muling nagsimula sa pagkakataong ito ang ikatlong pag-absorb ng Golden Horned Beast...
Tiningnan ng napakalaking ulo ng Golden Horned Beast ang kanan niyang kamay. At habang nag-oobserba, isang napakalaki at napakasakit na pagbabago ang nagsimulang maganap sa kanan niyang kamay…at dahil sa espesyal na kakayahang kumontrol ng Golden Horned Beast ay nagawa nitong kontrolin at limitahan ang lugar na tinatamaan ng sakit sa kanyang katawan. At sa pagkakataong ito ay nawala na nang tuluyan ang ikatlong kristal sa umabsorb ditong sugat ng halimaw.
"Trigger!"
Dito na nagtrigger ang Golden Horned Beast ng isang misteryosong enerhiya mula sa loob ng kanyang katawan, agad na nagpakita sa mga kaliskis nito ang isang kulay dugong engraving.