"Ikaw pala iyon!" Nanlaki ang mga mata ni Rock Wind Zhan. Grabe! Umarte lang siya at nagkunwaring manghuli ng ilang tao para ikatuwa ng Pure Feather family. Pero hindi niya inakalang makakasama sa kanyang mga hinuli ang isang katakot-takot na taong gaya nito.
Nagliwanag ang mga mata ni Rock Wind Zhan at sumigaw ng, "Ikaw din ba ang dumukot kay Pure Feather Chong?"
ย "Oo, patay na ang isang iyon." Ngiti ni Luo Feng.
ย "Patay?"
Dito na sumama ang itsura ni Rock Wind Zhan. Patay na si Pure Feather Chong. Kaya siguradong papatayin din siya ng lalaking ito. Ano na ang kanyang gagawin ngayong wasak na ang kanyang Dantian, wala na siyang enerhiyang mailalabas pa. At higit sa lahat ay kasalukuyang nasa ilalim ang kanyang kaluluwa ng napakalakas na pressure mula sa kanyang kalaban. Gusto niyang lumaban at ipaalam at humingi ng tulong sa iba pero hindi niya ito magawa, kaya ano na ang kanyang gagawin?