Dalawang naglalakasang fighter na nakapasok sa top 10 ng buong city. Dalawang fighters na naging pinakamalakas sa buong east district ang nagkaharap sa isang madilim na eskinita. Pangkaraniwang namimili ang mga naglalakasang fighters ng kanilang kalaban ayon sa mga points na mayroon sila, magagawa lang nilang makipaglaban sa mga naglalakasang fighters kung mayroon na silang sapat na puntos para magawang lumaban hanggang kamatayan.
Dahil may sapat na silangpuntos, mananatili pa rin silang nasa loob ng top 1,001 kahit mamatay pa sila at mawalan ng kalahati sa kabuohang bilang ng kanilang puntos.
"Maglalaban na ba tayo ngayon?" Tumitig si Devil kay Luo Feng.
"Oo," tango ni Luo Feng. "Ngayundin!"
"Hahaha, makikita ko na rin ang katakot-takot na Madman na tumakot sa napakaraming henyo." Nagliwanag sa sobrang galit ang nag-iisang mata ni Devil.