Sa pamamagitan lang ng accurate na appraisal ay doon nila masasabi ang tunay na halaga ng spaceship na ito ng mga automaton. Nakalkula na noon ni Babata na ang kabuohang halaga ng mga yamang matatagpuan sa mundong nasa loob ng isa pang mundo ay nagakakahalaga lang ng 200 mixed elements na maikukumpara sa isang mahirap na undying!
At ang automaton spaceship na ito ay nagkakahalaga ng isa hanggang dalawang libong mixed elements!
"Grabe!" Nanlaki ang mga mata ni Bai Kaluo, magagawa lang niyang matupad ang kanyang pangarap na maiukit ang kanyang pangalan sa kanilang templo sa oras na maging isa siyang sector lord. "Hindi magagawa maging ng isang sector lord na bumili ng ganitong klaseng spaceship!"
"Gaano karaming universe level na alipin ang magagawa mong bilhin sa ganitong halaga." Napanganga nang husto ang mukhang katawa-tawang si Di Fan.
Natigilan sila rito nang husto!