Nanlamig ang itsura ni Nuolan Shan habang pinapanood ang videong makikita sa screen na nasa kanyang harapan, sumama ng husto ang kanyang pakiramdam sa pinapanood niyang si Luo Feng. Lalo na noong matapos nilang makita, nagawa niyang utusan ang isang tauhan para gumawa ng isang persuasive at nakapagaakit na sulat para ipadala kay Luo Feng. Lalo siyang nainis noong hindi ito nireplyan ni Luo Feng. At lalo pa siyang nainis matapos malaman ang paggawa ni Luo Feng ng isang pangalan sa kanyang sarili.
"Huh?" Habang nanonood ay biglang nagulat ang itsura ni Nuolan Shan bago mapatingin sa lalaking may malaking ilong sa kanyang tabi. "Ito ba ang henyong sinasabi mo?"
Makikita sa video na pinaglalaruan at winawasak ng isang fighter si Luo Feng!
Hanggang sa tuluyan itong matalo!