Kahit na matapos makakuha ng tatlong bakal na robots ay hindi pa rin nasabik si Luo Feng. Ang bagay na bumabagabag sa kanyang isipan ay ang pagkuha sa isang napakalakas na sandatang makakapatay sa golden horned beast.
Nakadepende rito ang kaligtasan ng sangkatauhang nakatira sa Earth.
"Creak..."
Gumamit si Luo Feng ng kaunting lakas para mabuksan ang kulay silver na pintuan. Hindi pa nabubuksan ang pintuang ito mula noong bumagsak ang kanilang mothership! Nang buksan ito ni Luo Feng ay nakaramdam siya ng pagkakaiba sa lebel ng hangin sa labas at sa loob ng command room, isang malamig na hangin ang umihip mula sa napakalawak at napakarangyang command room!
Napakaliwanag ng command room na ito.
Makikita sa gitna nito ang isang nakaunipormeng sundalo, at tatlong nakaitim na bodyguards sa kanyang likuran. Nagulat ng husto si Luo Feng nang makita ang mga ito.
"Hu!"
Isang napakalamig na hangin ang umihip sa kanya.