Chereads / Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 79 - Ang Napakalaking Pagkakataon

Chapter 79 - Ang Napakalaking Pagkakataon

Nagmamadaling sinabi ng middle aged na babae na, "Huwag ka nang magalit. Walang mangyayari kung magagalit ka ng ganyan. Nag-iisa lang ang anak natin kaya ano pa ang magagawa mo? At ang mahalaga rito ay makaisip tayo ng paraan para mahiwalay ang anak natin sa baldadong iyon ng hindi siya nasasaktan."

"NAIINTINDIHAN KO!"

Nanahimik na nakasimangot ang middle aged na lalaki na iyon habang siya'y nagsisigarilyo.

Umikot sa loob ng sala ang usok na nanggagaling sa sigarilyo habang nagpapatuloy ang katahimikan dito. Ang tanging ingay na maririnig mo sa mga oras na ito ay ang "tick tock" na nagmumula sa kanilang mechanical clock.

����

Napuno muli ng nakamamatay na lamig ang #003 city kinabukasan habang maririnig ang mga ungol mula sa mga halimaw na nakatira sa city oras-oras. Kung kaya nating sabihin na isang technologically advanced city ang Jiang-Nan City sa panahong ito na punong-puno ng buhay, ganoon din ang city na ito ilang dekada na ang nakalilipas. Ang pinakatanyag na city sa China noon ay isa nang palaruan sa mga halimaw na nakatira rito ngayon. Makikita mo sa loob nito ang nakakalat na dugo at bangkay kahit saan ka man pumunta.

Isa itong monster den!

Punong puno ng alikabok ang loob ng 18 story na apartment na iyon na pinuwestuhan ng nakatingin na si Luo Feng malapit sa isang bintana gamit ang kanyang binoculars habang kumakain ng isang pirasong laman na hawak ng kanyang kabilang kamay. Kinagat at nginuya niya ito ng dalawang beses bago niya ito nilunok ng tuluyan.

Nguya, lunok.

Napakatahimik sa loob ng kupas na kuwartong iyon. Ang tanging ingay na maririnig mo lang ay ang tunog mula sa pagnguya ni Luo Feng.

"Gulp gulp~~" inilabas ni Luo Feng ang kanyang bote ng tubig at uminom ng kaunti. Matapos ang isang sandali ay uminom siya muli ng tubig mula rito.

Hindi nagdala si Luo Feng ng napakaraming pagkain at tubig sa Forsaken Land kaya kinakailangan niyang magtipid sa pagkain at tubig araw-araw.

"Sabay-sabay na namang umalis ang pitong iyon!" tumingin si Luo Feng sa kanyang binoculars at nakita ang pag-alis ng pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa tinutuluyan nitong six story apartment building sa ilalim ng maambong araw. Sumimangot si Luo Feng habang galit na galit nitong ibinato ang hawak niyang binoculars sa ibabaw ng kama sa kanyang tabi.

Minasahe ni Luo Feng ang kanyang temples at inubos ang isang buong araw sa pagyuko at pagtingala ng kanyang ulo. Pagod na pagod na ang mga mata niya sa pagoobserba sa pitong miyembro ng Thunderbolt Squad.

"Sabay-sabay silang umaalis araw-araw kaya hindi ko makuha ang pagkakataong hinahanap ko," sumimangot si Luo Feng, "Kung magpapatuloy ito ay magiging ganito na lang ako hanggang matapos ng young master ang kanyang training plan. At kapag nangyari iyon ay masasayang lang lahat ng oras na ito sa paghihintay! Ano nang gagawin ko?" mabilis na nag-isip si Luo Feng dahil wala siyang ni isang pagkakataon para gumawa ng aksyon.

Maghihintay na lang ba siya ng ganito?

"Wala na ang pagkakataong hinihintay ko."

Kumislap ang mga mata ni Luo Feng at nagngitngit ang kanyang mga ngipin, "Dahil wala na ang pagkakataong pinakahihintay ko ay gagawa na lang ako ng isa!"

"Hindi ba't lagi silang magkakasama? Edi pipilitin ko silang maghiwa-hiwalay!" mahinang hinigpitan ni Luo Feng ang takip ng bote ng kanyang tubig.

...

Tatlong oras ang nakalilipas ay maingat na umabante ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa lumang pugad ng mga halimaw. Minsan ay umaabante, minsan naman ay umiikot sila sa ibang daan hanggang sa marating nila ang six story residential apartment gaya ng palagi nilang ginagawa.

"Oras na para kumilos!"

Ngumiting lumabas sa kanyang kuwarto ang armadong si Luo Feng. Mabilis itong bumaba sa hagdanan na para bang isang unggoy. Kahit si Luo Feng ay hindi nagpadalos-dalos sa paglabas ng 18 story residential building na ito kaya maingat itong umabante habang nagmamasid sa kanyang paligid.

Napakahirap umiwas sa mga halimaw pero madali naman silang mahanap!

15 minutes ang nakalipas ay nakarating si Luo Feng sa isang dog-type monster horde na may bilang na dalawa hanggang tatlong libong halimaw. Nagpapahinga sa loob ng isang napakalaking factory na dating pagawaan ng mga appliances ang mga halimaw. Pangkaraniwan na walang kahit sinong fighter ang naghahamon sa ganitong karaming halimaw dahil alam nila na hindi nila ito kakayanin.

"Roar~~"

Nag-echo ang angil ng mga malalaking halimaw na ito sa loob ng factory habang maaamoy mo naman sa loob nito ang isang amoy na galing sa kanilang mga ihi.

"Wow, napakalaki ng monster horde na ito," tumingin si Luo Feng mula sa isa sa mga nakatakip na bintana sa dingding nito, "Simulan na natin."

Hindi nagtagal ay---

"Roar~"

"Roar Roar Roar~~"

Galit na galit na umangil ang mga halimaw sa loob ng factory. Ikinagalit ng mga ito ang pagkamatay ng ilang dosena nilang kasamahan dahil hindi pa sila nakakaranas ng ganitong kahihiyan dati. Maging ang leader ng monster horde at ang dalawang high level commander lion mastiffs ay nagsimula na ring magsialulong. Matapos nito ay nakipaghabulan na ang mga ito na para bang wala sa kanilang sarili.

"Napakabilis talaga nilang tumakbo!"

Nasa ilalim ng impluwensya ng kanyang spiritual force ang hexagonal shield na nasa likuran ni Luo Feng at sa loob lang ng isang saglit ay nagmistula siyang isang lumilipad na bagyo.

RUMBLE~~

Ang ilang tiger mastiffs ay nahalo na rin sa napakalaking lion mastiff horde na ito. Tumakbo sila ng kasing bilis ng mga lion mastiffs habang hinahabol ang lumilipad na si Luo Feng. Ang mga halimaw na nasa harapan ng horde ay tumatakbo sa bilis na 70 hanggang 80 m/s! Sa bilis na ito ay kaya nilang maabot ang six story residential apartment na destinasyon nila mula sa factory na may layong apat na milya sa loob lang ng kalahating minuto!

Sa loob lang ng 30 seconds!

At tumakbo si Luo Feng papasok sa six story residential building na para bang isang kidlat.

����

Sa isang suite room sa 6th floor ng six story residential apartment ay nagpapahinga ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad. Sa totoo lang ay hindi sila naalerto man lang noong marinig nila ang alulong ng mga halimaw na humahabol kay Luo Feng…. dahil saang lugar ka ba hindi makakarinig ng alulong ng mga halimaw na may layong apat na milya sa loob ng city na ito?

Pero matapos ang 10 seconds.

"Mukhang mayroong labanan na nagaganap sa east natin," tawa ng miyembro nila na bulag sa isang mata.

"Pakialam ba natin. Palagi namang mayroong labanan na nagaganap sa pagitan ng mga fighters at ng mga halimaw dito sa loob ng #003 city. Mukhang mayroong fighter ata ang gumalit sa isang monster horde ngayon," kalmadong kalmado ang captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya dahil sa pagiging isang fighter ng ilang taon ay normal na para sa kanya na makakita ng ganitong mga pangyayari.

Pero sa oras na sinasabi niya ang mga salitang ito.

Mukhang napakalapit na sa atin ng monster horde na iyon!"

"Maging ang buong building ay yumayanig sa sobrang lapit nila."

Sa loob lang ng isang saglit ay agad na tumakbo ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad para sumilip sa northern window ng kanilang kuwarto at doon ay nakita nila ang napakaraming halimaw na malapit sa entrance ng six story residential apartment na kanilang tinutuluyan. Ang mga ibang lion mastiff na halimaw ay nagsimula na ring sumugod paakyat sa hagdanan. Sa loob lang ng ilang segundo ay nagsimula na sa pagyanig ng malakas ang buong residential apartment kung saan sila nakapuwesto na para bang mayroong isang malakas na lindol. Maririnig ding nag-eecho sa loob ng apartment building ang angil mula sa mga ito.

"BOOM!" bumukas ang pinto papasok sa kuwarto kung saan nagpapahinga ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad.

Matapos nito ay isa-isang sumugod ang mga lion mastiffs na may katawang kasing laki ng isang SUV papasok sa kuwarto. Bukod sa pintuan ng kanilang kuwarto ay nagsimula na rin sa pagkawasak ang mga dingding sa paligid ng kanilang kuwarto. Nagpatuloy sa pagbangga sa mga pader ng residential building ang humigit sa isang libong halimaw habang yumayanig ang buong building na para bang mawawasak ito sa loob lang ng ilang saglit.

Makikita naman sa labas ng residential building ang isa hanggang dalawang libo pang mga lion mastiff monsters na nakapalibot sa buong building. Hindi na sila makapasok sa building kaya pinalibutan na lang nila ito. Kung makakaimagine ka ng isang movie kung saan ay napapalibutan ang isang building ng libo libong SUV ay maiimagine mo kung gaano nakakatakot ang sitwasyong hinaharap ngayon ng buong Thunderbolt Squad.

"ANO BA ANG NANGYAYARI!!!" nagsimula nang sumigaw ang batang fighter na kanilang kasama habang namumutla ang mukha nito.

Ang kahit na sino ay magpapanic matapos masaksihan ang pagyanig ng building na iyon na para bang babagsak anumang oras, ang pag-apaw ng napakaraming bilang ng halimaw sa loob ng kuwarto habang nakapaligid ang libo-libong halimaw sa baba ng tinutuluyan nilang apartment.

"Protektahan mo ang young master! Tiger Fang Squad, protektahan niyo ang likod namin!" sigaw ng matandang beterano na si Liu.

"DADADADA~~~"

Walang tigil na maririnig ang ingay mula sa machine gun na hawak ni Dong Zi habang pinapaulanan niya ng bala ang mga halimaw sa kanyang harapan. Isa-isang tumama ang mga balang pinaputok niya sa katawan ng mga papasugod na lion mastiff na halimaw. Sa sobrang bilis ng pagsugod ng mga ito ay kahit na tamaan na sila ng mga bala ay patuloy pa rin ito sa pagsugod sa kanila. Dumepende naman sa kanilang mga cold weapons ang kalbong maskulado, ang lalaking bulag sa isang mata at ang captain ng Tiger Fang Squad na si Pan Ya habang isa-isa nilang hinahampas ang mga sumusugod na halimaw papunta sa kanilang tabi.

"PENG!" "PENG!" "PENG!"

Dinala naman ng matandang beteranong si Liu at ng maputing maskulado ang batang fighter sa pagtalon sa bintana palabas ng building.

"Tara na!" sigaw ng captain ng Tiger Fang Squad habang nauna siyang sumunod sa mgatatlong nauna nang tumalon sa bintana ng building.

"Bilisan mo Dong Zi!" sigaw ng lalaking bulag sa isang mata.

Ang mga gunners ang pinakamahihina sa lahat ng mga fighter kung ikukumpara ang kani-kanilang mga pangangatawan. Kinagat ng kanilang gunner na si Dong Zi ang kanyang ngipin bago tumalon sa bintana. At sa huli ay tumalon na ang lalaking bulagsa isang mata pati ang kalbong maskulado. Kahit na ang isang rookie fighter ay may dala-dalang ilan daang kilo na gamit ay hindi magtatamo ng kahit na anong pilay sa pagtalon sa isang building na may taas na six stories.

Pero ang naghihintay sa kanila sa baba ay hindi isang flat surface, kundi ang humigit sa isang libong halimaw mula sa horde!

...

Nagkanda wasak-wasak na ang mga dingding sa 2nd floor ng residential apartment na iyon habang nagtatago si Luo Feng sa sulok ng isang kuwarto sa floor na iyon!

Noong pumasok si Luo Feng sa kuwartong ito ay agad niyang ginamit ang kanyang spiritual force para kontrolin ang mga dingding, mga lamesang gawa sa bato, etc. para maselyuhan ang banyong kanyang pinagtataguan. Maging ang kisame ng kuwartong iyon ay sinira niya para kahit na sumugod pa sa loob nito ang mga halimaw na iyon ay hinding hindi nila mahahanap ang nakatagong si Luo Feng.

Matapos noon ay nakita na ng monster horde ang Thunderbolt Squad sa sixth floor ng building kaya dinerekta na ng mga halimaw ang atensiyon ng mga ito sa kanila.

Tiningnan ni Luo Feng ang mga nangyayari sa labas at pinakinggan ito ng maigi habang nakatayo sa gilid ng isang bintana ng banyong pinagtataguan niya.

"Naglalaban na sila!" narinig ni Luo Feng ang mga ilang mahihinang angil mula sa sixth floor ng residential apartment.

Matapos noon ay tatlong anino ang mabilis na nalaglag mula sa taas.

"Tumalon na sila," kumislap ang mga mata ni Luo Feng at agad na lumutang sa paligid niya ang dalawa niyang itim na throwing knives.