Chereads / Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 14 - Ginusto Mo Ito

Chapter 14 - Ginusto Mo Ito

"Hm, Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Alas 12 na, hindi ba dapat ay break na nila papa ngayon? Si papa at ang mga kasama niya ay nagreremodel ngayon ng bahay at karaniwang tumitigil sila para kumain sa tanghali, kaya bakit hindi niya sinagot ang cellphone niya?" Nagtatakang sabi ni Luo Feng habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Matapos nito ay pinindot niya ang 'Cell Phone Location Searcher Function' nito at agad na nakita kung nasaan ang ama niya gamit ang gps ng cellphone nito.

"Malapit lang ito dito ah"

Agad na nalaman ni Luo Feng kung nasaan ang kanyang ama at napangiti na lang ito nang makita niya ang kinaroroonan ng kanyang ama "Bibilisan ko na lang pumunta sa pinagtatrabahuan ni papa para masabi ko agad sa kanya ang magandang balita"

Mabilis na pumunta si Luo Feng sa lugar na nakadisplay sa kanyang cellphone.

������������

Sa Sky Garden sector ng Zhi-An region.

"Bilisan niyo nang ilagay yan nang makapagtanghalian na kayo. Hindi lang naman kayo ang may gusto nang mananghalian, kami rin!" utos ng namumutlang nakasuot ng napakahabang puting pantalon na si Zhang Hao Bai sa mga trabahador. Mayroon din siyang tatlong nakasimangot na mga bodyguard na nakabantay sa kaniya.

"Huwag mo po kaming pagmadaliin mister, napakamahal po ng furniture na ito at wag ninyo po ito tratuhin ng basta basta. Kung gusto niyo po ay kumuha po kayo ng tao niyo para mapabilis ang paglilipat nito!" Isang truck ang nakaparada sa tapat ng pribadong bakuran ang may sakay na napakaraming nakaseal na furniture na gawa sa kahoy.

Napakahalaga at napakamahal na ng mga furniture na gawa sa kahoy sa panahong ito. Tinuturing na itong isang luxury item kung saan tanging ang mga mayayaman lang ang kayang makabili nito.

Dahil iyan sa kawalan ng lupa para magtanim ng puno. Ang lahat ng tao ay nakatira sa mga city bases kaya halos mapuno na ang lugar nito nang mga tirahan. At kahit na napakaraming puno sa labas, maraming mga mababangis na halimaw naman ang nakatira rito. Kailangan mo pang makipaglaban sa mga halimaw para lang makakuha ng mga kahoy. Kaya napakamahal ng presyo ng mga kahoy sa panahong ito.

Dahil din dito, karamihan sa mga furniture na karaniwang ginagamit ng mga tao ay gawa sa plastic, ang mangilan ngilan naman ay gawa sa salamin.

Ang isang pangkaraniwang pamilya ay hindi kakayaning bumili ng mga produkto na gawa sa kahoy.

"Mag ingat ka"

Maingat na binuhat ng mga trabahador ng remodeling company ang mga napakabibigat na furniture na gawa sa kahoy pababa sa truck. At mula rito ay maingat naman nila ulit na bubuhatin iyon papasok sa malaking bakuran ng pamilya ni Zhang Hao Bai.

"Mag ingat kayo" nakasimangot na paalala ni Zhang Hao Bai, "Gawa sa mataas na qualidad na kahoy ang mga furniture na iyan. At sinisiguro kong mayayare kayo ng amo niyo kapag nasira niyo ang kahit isa sa mga iyan"

[HU, HU]

Maingat na binuhat ng tatlong trabahador ang furniture. Napakabigat ngunit napakamahal ng mga ito na may bigat na halos isang tonelada. Hirap na hirap ang mga trabahador na buhatin ito para mailipat sa loob ng bahay.

"Tumigil na muna tayo para magpahinga ng kaunti bago natin ilagay sa dapat nitong kalagyan sa bakuran maya maya" Utos ng trabahador sa kanilang harapan, "Ibaba na muna natin ito ng dahan dahan…" Sabi muli ng trabahador habang dahan dahan nilang ibinababa ang furniture sa bakuran. Matapos nito ay lumiyad sila para ibanat ang kanilang mga likod at lumanghap ng sariwang hangin.

"Nagugutom na ako Mang Luo sa trabaho nating ito" sabi ng matangkad na trabahador habang binabanat ang kanyang katawan.

"Pagkatapos nating ipasok to at yung dalawa pang natitira doon sa truck ay makakakain na tayo nang sabay sabay" tumatawang sabi ni Luo Hong Guo habang nakatingin sa dalawa pang mga trabahador. Pinunasan niya ang pawis niya gamit ang pangitaas niya. Ala una ng hapon iyon ng June, ang pinakamainit na oras sa buong araw.

Ang pagbubuhat ng ilang napakamahal na gamit na may bigat na halos isang tonelada ay isang napakahirap na trabaho para sa kanila.

"Ano pang ginagawa niyo diyan? Bilisan niyo na!" Pasigaw na utos ng hindi mapalagay na si Zhang Hao Bai.

"Opo" tugon ni Luo Hong Guo habang yumuyuko para buhatin ang furniture "Ayusin na natin para mabilis at maingat nating maipasok ang furniture na ito sa loob"

"Bibilang ako, Isa, dalawa, tatlo, angat!"

Sabay sabay na binuhat ng tatlo ang furniture papasok sa bahay. Mabilis silang nakapasok sa bahay at dumaan sa harapan ni Zhang Hao Bai. Napasimangot ito nang maamoy ang pawis ng tatlong trabahador na dumaan sa harapan niya.

"Kapag mahirap ka talaga ay mamamatay ka nang mahirap habang gumagawa ng ganitong kahirap na mga bagay para lang mabuhay sa araw araw. Sigurado akong mabubuhay sila ng masalimuot habangbuhay." Sabi ni Zhang Hao Bai sa kanyang sarili.

Napakayaman ng tatay ni Zhang Hao Bai kaya lumaki ito sa marangyang paraan. Trapo lang ang tingin nito sa mga taong nabibilang sa mabababang uri ng lipunan. At para sa kanya, ang mga taong naghihirap nang ganito para lamang mabuhay ay nararapat lamang sa isang masalimuot na buhay hanggang sila ay mamatay.

"Mag ingat kayo, huwag niyong hahawakan yung gate"

Maingat na inilipat nina Luo Hong Guo at ng kanyang mga kasama ang mga gamit papasok sa bahay. Basang basa na ng pawis ang mga damit nila. At makikita rin ang mga pawis nila na tumutulo sa kanilang mga leeg.

"Magpahinga lang muna tayo sandali sa labas ng bahay" sabi ni Luo Hong Guo ibinaba nila ang furniture at huminga ng marami hanggang sa makapagpahinga sila.

"Tara na, Isa, Dalawa, Tatlo, angat!"

Sanay na sanay na sila sa mga ganitong gawain kahit na pagod na pagod na sila. Dahil ginagawa na nila ito sa loob ng 20 hanggang 30 na taon. Alam na nila ang limitasyon nila kaya madalang na silang magkamali.

Hindi nagtagal ay bumalik na sila sa truck para ipasok ang huling furniture na inorder ni Zhang Hao Bai.

"Napakainit talaga no?" Sabi ni Zhang Hao Bai habang nakatingalang tumitingin sa kalangitan "Kumain tayo mamaya diyan sa malapit na restaurant mamaya kapatid na Wang"

"Maraming salamat po young master" tumatawang sagot niya kasabay nang pagtawa ng tatlong bodyguard.

Nakikita niya na inililipat na ng tatlong trabahador ang huling furniture na kanyang inorder at suminghal ito gamit ang kanyang ilong. Talagang nanggigigil siya sa mga ganitong uri ng tao. At nakita niya ang isang crack sa mga marmol sa sahig ng kanilang bakuran na nagcrack noong magsparring sila ng kanyang mga bodyguard ilang araw na ang nakalilipas.

"Hm?" Sabi ni Zhang Hao Bai habang kumikislap ang mga mata nito "wala na akong gaanong pera ah, pagkakataon ko na ito para magkapera habang pinaparusahan ang mga mokong na ito!"

Sa mga panahong ito ay busy sina Luo Hong Guo sa paglilipat ng ikatlong furniture na inorder ni Zhang Hao Bai.

Nang biglang---

Magsimulang magring ng cellphone niya, noong marinig ito ni Luo Hong Guo ay tumalon ang kanyang puso sa tuwa "Si Feng siguro itong tumatawag" Pero dahil naglilipat sila ng mga furniture ay hindi niya masasagot ito. Kailangan niyang tumawag na lamang pagtapos mailapag ni Luo Hong Guo ang furniture na hawak hawak nila.

"Magpahinga tayo pagbalik natin sa truck, dahan dahan" sabi ni Luo Hong Guo habang marahan nilang inilalapag ang furniture sa dapat na kalagyan nito.

Matapos nito ay kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Nakita niya na galing ang tawag na iyon sa kanyang anak na si Feng. Napangiti siya habang sinusubukan niya itong tawagan pabalik.

"Anong bang problema niyong tatlo?"

"Hoy, hindi ba sinabi ko sa inyo na magingat kayo, ano yang ginagawa niyo?" Pasigaw na sabi ng isang nagagalit na boses.

Lumingon ang tatlo at nasurpresa sa galit nag alit na mukha ni Zhang Hao Bai. Galit na galit itong nakaturo sa marmol "Ganito ba kayo magtrabaho? Nasira niyo ang marmol na sahig ng bahay ko sa sobrang pabaya niyo sa mga trabaho niyo! Isa itong Nan-Shan marble na mabibili pa sa kabilang siyudad! At ang bawat isa nito ay nagkakahalaga ng 100 thousand dollars, paano niyo ngayon mababayaran iyan HUH!!!??

Napayuko na lang ang tatlo habang tinitingnan ang crack na makikita sa marmol.

Nakikita nila na may maliit na crack nga ang marmol na malapit sa kalsada.

"Hmph, tatawagan ko nalang ang boss niyo dahil sa kapalpakan niyong ito" nagagalit na sabi ni Zhang Hao Bai "Hindi ba may number ka ng kompanyang pinagtatrabahuan ng tatlong ito kapatid na Wang? Tawagan mo ang pinagtatrabahuan nila at papuntahin mo ang boss nila rito! Wala nang saysay ang pakikipagusap ko sa mga ito"

"Mayroon po akong number nila rito" sabi ng bodyguard na nagngangalang Wang. Agad nitong kinuha ang kanyang cellphone at nagsimulang tumawag.

Malapit sa isa't isa si Luo Hong Gui at ang kanyang mga bodyguard.

"Nagkakamali po kayo" sabi ng malaking trabahador "kitang kita ko na nandiyan na ang crack na iyan noong una pa lang bago pa namin ilapag yung gamit."

"Nagpapalusot ka pa? Wala nang punto ang pagpapalusot mo ngayon loko!" tumatawang sabi ni Zhang Hao Bai sa tatlo.

Sumimangot na lamang si Luo Hong Guo. Bilang napakatagal na niyang nagtatrabaho sa kompanyang ito. Alam niya na mahirap ang mga ganitong hindi pagkakaunawaang mga bagay. Iniingatan ng mga kumpanya ang kanilang reputasyon at kung hindi mapapatunayan ng kumpanya na hindi sila ang may kasalanan nang nangyari ay wala na itong magagawa kundi magbayad na lamang sa mga nasira.

At kung magbabayad ang kumpanya ay tiyak na babawiin nila ito sa suweldo ng mga trabahador na responsable sa nangyari.

"Alisin na muna natin ang gamit diyan at magusap" Sabi ni Luo Hong Gua habang papunta siya sa furniture para alisin ito.

"Alisin ang furniture?"

Pumunta si Zhang Hao Bai sa harap ng furniture at tinulak ang papuntang si Luo Hong Guo. Matapos nito ay nagsimula na siyang manermon sa tatlong trabahador "Huwag niyo akong pinaglololoko! Ang gamit na iyan na nasa marmol ang ebidensiya ng kapalpakan niyo! Tapos ngayon gusto niyong alisin iyan diyan at magkunwaring wala kayong alam sa mga nangyari? Lumang tugtugin na iyan tanda. Hintayin niyo nalang ang boss niyo bago tayo magusap usap"

"Mang Luo, Mang Luo"

Pumunta ang dalawa niyang katrabaho upang tulungan ang matandang si Luo na makabangon sa sahig.

"Wala pong problema" sabi ni Luo Hong Guo habang nagpapagpag ng kanyang balikat.

"Paano niyong nagagawang manulak na lamang ng mga taong mas mabababa sa inyo"

"Hindi rin kami sigurado na nasira naming ang marmol sa inyong bahay, pero bakit kailangan niyo pang manulak?" Matapos nito ay nagalit din ang dalawa niyang katrabaho at sumagot sa sobrang galit ng mga ito. Walang takot ang mga taong nagtatrabaho nang mga kagaya nito. Tiyak na gulo ang kalalabasan kapag nagalit sila ng husto. Hindi sila natatakot kahit na makulong pa sila dahil alam nila na pera lang ang katapat nito, at bandang huli wala ring magagawa ang mga ito kundi pakawalan sila.

"Huwag na huwag mong susubukang makipagtalo sa akin!" Matapos nito ay naghiwalay ang dalawang binti ni Zhang Hao Bai at mas mabilis pa sa kidlat na sinipa sa sikmura ang dalawang trabahador.

[PU! PU!]

Tumalsik ang dalawang trabahador sa lupa.

"Hindi niyo kilala kung sino ang kinakalaban niyo" sinabi ni Zhang Hao Bai habang malamig itong tumatawa. Napakalaki ng impluwensiya ng pamilya Zhang sa Zhi-An region. Walang magagawa ang lahat kahit na bugbugin niya ang ilang mga regular na trabahador nito.

"Mang Tian, matsing ayos lang ba kayo?" Ninenerbiyos na rin ang matandang si Luo Hong Guo dahil dito.

"Paano mo nagawa itong bata ka?" galit na galit na sinabi ni Luo Hong Guo.

Sumimangot muli si Zhang Hao Bai nang maamoy nito ang pawis ni Luo Hong Guo at kumakaway na sinabing "Turuan mo sila ng leksyon kapatid na Wang para matutong manahimik sa susunod"

"Ito na po ang remodeling company Young Master" sabi ng bodyguard na nagngangalang Wang habang ibinibigay nito ang cellphone kay Zhang Hao Bai.

"Sige" Kinuha ni Zhang Hao Bai ang cellphone at nagsimula nang bugbugin ang tatlo ng mga bodyguards ni Zhang Hao Bai, Habang hawak naman ni Zhang Hao Bai ang cellphone, kinausap nito ang kumpanyang may hawak sa tatlong trabahador "Oo ako yung customer niyo sa Sky Garden. Ibigay mo ang telepono kay Chairman Hou. Anong problema ng mga trabahador na ipinadala niyo rito sa akin chairman Hou? Napakapabaya nila kaya nakasira sila ng marmol sa bakuran ko. Bilisan mo na at magpadala ka na ng tao para matapos na ito. At kung hindi ay huwag mong asahan na babayaran kita!"

Habang nakikipagusap siya sa cellphone---

"Tumigil kayo!!" sabi ng isang galit nag alit na boses na nanggagaling sa labas ng bakuran.

Sa panahong ito ay kitang kita na ang marka ng mga sapatos ng mga bodyguard sa katawan ni Luo Hong Guo at sa mga katrabaho nito.

"Huh?" Lumingon sina Zhang Hao Bai at ang mga bodyguard nito sa pinanggalingan ng boses.

Isang napakadilim na itsura ng tao ang makikita sa bakuran. Pero nakilala agad ito ni Zhang Hao Bai at galit na galit na sinabing "Luo Feng, pumunta ka ba rito para makatikim din kasama ng mga ito?"

"Hayop ka!" Nakita ni Luo Feng ang kanyang amang may mga bakat ng sapatos na nakatihaya sa lupa habang naliligo sa kanyang pawis. Agad na nagpula ang mga mata ni Luo Feng sa sobrang galit. Kinailangan magtiis ng kanyang ama sa ganito kahirap na buhay at ngayon ganito pa ang mangyayari sa kaniya.

Ang isa sa mga bodyguards na maliit at mataba ay malamig na tumawa habang tumatayo sa kanyang kinalalagyan.

"Umalis kayo sa harapan ko!!!" Sigaw ni Luo Feng at mabilis pa sa kidlat na sumipa ang kanyang binti patungo sa bodyguard na nagawa pang masalag ang sipa niya gamit ang kanang braso nito.

[PENG!]

Agad na nanlaki ang mga mata ng mataba at maliit na body guard na iyon nang maramdaman na niya ang sakit ng napakabigat na sipang ito ni Luo Feng. Tumalsik siya ng may apat hanggang limang metro bago tumama sa lupa. Natigilan ang dalawa pang mga body guard nang makita nila ito.

"Anong karapatan mo para saktan ang mga tao ko Luo Feng!" Sigaw ng galit nag alit na si Zhang Hao Bai "Makikita mo ang hinahanap mo!"

"Hayop ka!!!" Galit na galit na sigaw ni Luo Feng habang mabagsik na nakatingin kay Zhang Hao Bai.