Chapter 2 - RR

Ang southern sector ay inilaan ng gobyerno para maging isang paupahang area. Dahil diyan ay sagad na sagad ang mga lugar na puwedeng pagtayuan ng mga gusali. Ang mga apartments dito ay napakataas na para bang mga concrete poles na ginawa ng hindi manlang kinunsidera ang exposure sa araw.

Si Luo Feng ay nakatira sa 32 na palapag sa isang apartment na may 36 na palapag.

"Gusto mo bang pumunta sa dojo mamayang gabi Feng?" Sabi ni Wei Wen habang patungo siya sa kabilang apartment

"Kailangan ko pumunta sa isang family education meeting mamayang gabi pero pagkatapos nito ay baka sakaling pumunta ako sa dojo. Huwag mo na ako hintayin mamaya." Sabi ni Luo Feng habang ito ay nakangiti at kumakaway sa kanya habang paakyat siya ng hagdan. Kada hakbang ni Luo Feng sa hagdanan ay nagcocover ng apat na baitang kung kaya't para siyang isang nagmamadaling panther at narating niya ang ikalawang palapag sa loob lang ng dalawang segundo.

Third Floor, Fourth Floor…

"Step! Step!"

Kahit na tumatakbo na si Luo Feng sa hagdanan ay napakaliksi parin nito dahil nagawa niya pang magbigay daan sa mga nakakasalubong niyang mga residente na pababa ng hagdan.

"Nakauwi ka na Feng?"

"Opo Uncle Wang." Hindi man lang naapektuhan ng pagtakbo niya ang bilis ng kanyang paghinga na bilaing isang 'Elite' member ay wala itong pinagkaiba sa mabagal na paglakad.

Para sa opinyon ng nakararaming nakatira sa building na iyon ay nagpasya sila na huwag na pagawan ng elevator ang kanilang building dahil maaaring tumaas lamang ang buwan buwan nilang bayad sa renta dahil dito. Kaya ngayon ay sanay na sanay nang umakyat baba ang mga residente kahit na dosedosena pa ang taas ng kanilang inaakyat.

At para sa kanila ay walang kakuwenta kuwentang bagay ang pagpapagawa ng elevator.

Napakamahal ng kuryente sa kanilang siyudad at ang defense system nito ay pinagagana rin ng kuryente. Matindi ang pangangailangan ng kanilang bansa sa kuryente.

32nd Floor!

May walong pamilya ang nakatira sa ika 32 na palapag ng apartment na iyon. Isa na rito si Luo Feng.

"Kacha!" Sabi ni Luo Feng habang hawak niya ang susi at binuksan niya ang pintuan.

"Kuya ikaw ba iyan?" sabi ng isang boses na nangagaling sa loob ng kanyang tirahan.

"Oo" sabi ni Luo Feng at isinara niya ang pintuan. Ang tirahan ni Luo Feng ay mayroong isang kuwarto at isang sala. Ito ay may kabuohang sukat na 36 ping*.

*Ang isang "ping" ay may sukat na humigit kumulang 3.306 square meters.

Bago pa man magsimula ang kanyang mga ala ala ay nakatira na sila ng kanyang buong pamilya na binubuo ng kanyang kapatid na lalaki at ang kanilang mga magulang sa 36 ping na lugar na ito.

"Ano yang binabasa mo Hua?" sabi ni Luo Feng habang papunta sa balkonahe.

Isang sakitin at napakapayat na teenager na nakawheelchair ang may hawak na isang libro sa English ang makikita sa balkonaheng iyon. Noong makita iyon ni Feng ay agad ito napatawa, "Oh hindi ba yan ay si 'Pulaisi' na tinaguriang investing expert? Hindi ba ang stock god na si 'Bafeite' ang pinakasikat sa kanilang mga investing expert?"

Walang gaanong naiintindihan si Luo Feng pagdating sa stocks and investments.

"Hindi nababagay sa akin si Bafeite. Napakalapit mga ideals ko sa mga teorya ni Pulaisi at maging kung paano rin ito magisip." Sabi ng sobrang payat na teenager habang itinataas niya ang kanyang ulo at ngumiti ng kaunti.

"Ituloy mo na ang pagbabasa mo" sabi ni Luo Feng habang ito ay tumatawa.

Sinadyang tingnan ni Luo Feng ang mga binti ng kanyang nakababatang kapatid at nakaramdam ng sakit sa kanyang puso. Noong bata pa sila ay nasagasaan ng sasakyan ang kanyang nakababatang kapatid. Ang buong parte ng kanyang binti sa ilalim ng kanyang hita ay durog na durog na nagresulta sa pagkabaldado nito. At dahil na rito ay nakaramdam siya ng matinding pressure dahil sa kanyang kapansanan na kahit ang kanyang pagaaral ay nagagawa na lamang sa pamamagitan ng long distance lessons gamit ang internet.

At dahil na rin matagal na itong hindi nasisikatang ng araw, namutla ng todo ang mukha ng kanyang nakababatang kapatid na para bang ito ay may sakit.

At wala rin masyado siyang kaibigan dahil may pagkaintrovert siya.

"Hindi kalakihan ang sahod nila nanay at tatay para palakihin kaming magkapatid. Ang kapatid ko pa ay may kapansanan kaya napakalaking pasakit nito sa pamilya namin. Ito rin ang dahilan kung kaya't nakakayanan lamang naming manirahan sa isang murang paupahang bahay kagaya nito."

"Kailangan kong baguhin ang kapalaran naming ito!"

Nagisip si Luo Feng gamit ang kanyang puso.

"Mayroon akong crush kay Xu Xin pero hindi pako gumagawa ng anumang galaw dito. Hindi ko pa rin nasusubukang magsimula ng isang relasyon"

"Ayon sa batas ay puwede ng magpakasal ang isang magkasintahan kung sila ay 18 years old na kaya maraming tao ang nagkakarelasyon habang high school ang nagpapakasal pagtapos nilang gumraduate. Napaka kaunti as in kaunti ang mga taong walang karelasyon sa high school kaya paanong nangyari na wala akong karelasyon?

"Dahil siguro wala akong panahon para makipagrelasyon! Hindi mayaman ang pamilya namin kaya wala rin akong gabay ng isang bihasang guro. Nakadepende lang ako sa sarili ko sa lahat." Sabi ni Luo Feng habang tinitingnan niya ang kanilang lumang sofa na puwede ring magsilbing higaan. "Itong naparakarming taon na ito na kung saan kaming apat ay nakatira sa loob ng tirahan na ito na mayroon lamang na isang kuwarto at isang sala lamang. Kami ng kapatid ko ay natutulog sa kuwarto habang ang aming mama at papa ay natutulog sa sofa sa aming sala."

"Sinisiguro ko na patitirahin ko balang araw ang aking pamilya sa isang napakalaking bahay na mayroong elevator sa loob."

"Pahihigain ko sina mama at papa sa isang napakalaking kama."

"Hindi ko na rin hahayaang mahirapan pa ang kapatid ko sa pagakyat baba sa hagdanan"

"Mayroong napakalaking bintana ang bahay na ito upang makapasok ang napakaliwanag na sinag ng araw!"

Ang mga salitang ito ang paulit ulit sa isipan ni Luo Feng kung kaya ay napakasipag nito.

Kaya----

Kaya siya ay napabilang sa tatlong 'Elite' members ng 3rd high school at ang nagiisa na nanggaling sa pangkaraniwang pamilya. Hindi gaya ng dalawa pang may hawak ng titulo na ito na nabibilang sa mayayamang pamilya.

"Huahua~~" tunog ng walang katapusang tubig na nanggagaling sa gripo na mabilis na pumuno sa electric kettle.

"Chichi….." tunog habang sinasaksak niya ang electric kettle. Matapos nito ay umupo si Luo Feng sa kanilang sofa at kinabisado ang mga importanteng parte ng kanilang history book.

At biglang----

"Di!"

Kumulo na ang tubig sa electric kettle. Ibinaba ni Luo Feng ang kanyang libro at sinalin sa thermos ang tubig mula sa electric kettle. Nagsalin din siya ng mainit na tubig sa isang malaking plastic cup at inilagay ito sa kanilang lamesa.

"Taong AD 2026 naganap ang labanan sa Hong Ze na nangyari sa Hong Ze lake… Oo, taong 2026 nga iyon." Sabi ni Luo Feng habang isa isang nagkakabisado ng mga historical events. Bukod sa kanyang normal na pagaaral ay napakagaling ni Luo Feng sa Math. Pero mas interesado niya sa History. Dahil sa tuwing nakikita niya ang history ng ika 21 na century.

…..

Hindi siya mapalagay.

Ito ay ang history ng human reformation!

"Hua." Sabi ni Luo Feng habang papalapit sa kanyang kapatid.

"Bakit kuya?" Sabi naman ng kanyang nakababatang kapatid na si Luo Hua habang ibinababa nito ang libro sa kanyang mga kamay.

"Nareview ko na yung 139 na mga importanteng parte ng librong ito. Tanungin mo nga ako." Sabi ni Luo Feng at ibinigay ang libro kay Hua. Si Luo Hua naman matapos mapakinggan ang sinabi ni Luo Feng ay natawa. "Sige ba, napakadalang ng mga pagkakataon na matatanong kita. Tatanungin kita kuya, isang malaking kahihiyan para sa iyo kung magkakamali ka."

"Sige magtanong ka lang ng magtanong." Sabi ni Luo Feng habang nakaupo sa kanilang sofa.

"Mayroong isang lalaki na pumatay sa 'Tiger head dragon' at nakapagligtas ng daan daang buhay. Na kung saan nagtagumpay na mailipat sa Jiang Nan base ang libo libo sa kanila. Sino itong bayaning ito? Saan siya nanggaling? Ilang taon na siya nung siya ay namatay?""Anong eksaktong date kung kailan ito nangyari?" Tanong ni Luo Hua habang nililipat niya ang mga pahina ng libro.

"Ang bayaning ito ay si 'Dong Nan Bao' na nakatanggap ng isang four star hero medal galing sa ating bansa. Siya ay si Yuan Jian Tai Xing. Namatay siya sa edad na 39 years old. Nangyari ito… siguro noong AD 2018…" Sagot ni Luo Feng habang nakataas ang kanyang mga kilay.

Patuloy na nagtanong si Luo Hua "Anong eksaktong date sa AD 2018? Anong buwan? Anong araw?"

"Um.. sa tingin ko… Noong June 18." Nagaalangang sagot ni Luo Feng.

"Hahaha, Nagkamali ka sa unang tanong." Asar ni Luo Hua habang siya ay umiiling, "Si Dong Nan Bao ay nagmula talaga sa Yuan Jian Tai Xing at namatay noong siya ay 39 taong gulang. Pero nangyari ito noong June 16 AD 2018."

"Ah!"

Hinampas ni Luo Feng ang kanyang ulo at tumawa ng walang sigla. "Napaghahalo ko palagi yung 16 at 18! Magtanong ka pa."

"Okay makinig ka, Ikalawang tanong. Noong taong AD 2013 sa…" Sabik na tanong ni Luo Hua.

…..

At patuloy na nagtanungan ang dalawa hanggang sa mabilis na lumipas ang oras.

"Natanong ko na ang kalahati ng mga tanong sa librong to. Sa 68 na tanong na tinanong ko, 63 ang nasagot mo ng tama at 5 ang nasagot mo ng mali." Sabi ni Luo Hua habang initataas niya ang kanyang ulo at tiningnan ang oras sa kanilang orasan na nakasabit sa dingding. "Malapit ng umuwi sina mama at papa. Tatanungin na lang kita ng isa tapos saka na natin ituloy yung natirang kalahati."

"Huling tanong? Sige magtanong ka na." Sabi ni Luo Feng habang lalong tumataas ang konsentrasyon nito.

"Napakadali ng tanong na ito. Banggitin mo ang mga mahahalagang pangyayari noong 'Da Nir Pan'* period." Tanong ni Luo Hua.

*Ang pan character ni Da Nir Pan ay naiiba ng kaunti, pero nangangahulugan itong Nirvana o Grand Nirvana, o kahit na anong nagtuturo rito. Tatawagin ko itong Grand Nirvana Period mula ngayon.

Naging seryoso ang hitsura ni Luo Hua dahil ang Grand Nirvana period ay ang pinaka importanteng bahagi ng kanilang history ng human reformation. "Noong sa simula ng ika 21 century, ang buong mundo ay nagkaroon ng maraming virus outbreaks. Noong AD 2003 narito ang pagkalat ng SARS, noong 2009 naman ay ang pagkalat ng H1N1, at noong 2013 naman ay ang pagkalat ng katakot takot na R type virus. At habang kumakalat ang R type virus ay patuloy itong nagmumutate sa ibat ibang anyo na nagpahirap ng husto sa mga gamot na puwedeng pumatay dito. Ito ay nagresulta sa napakaraming bilang ng namatay sa buong mundo noong panahong iyon."

"At habang patuloy na nagaadvance ang medical department ay nakontrol nila ang virus na ito."

"Pero noong January AD 2015 ay nagmutate ang R virus sa pinakanakakatakot nitong mutation na pinangalanang RR virus!"

"Noong nakaraan, ang mga mutation ng R virus ay kumakalat sa pamamagitan ng body fluids, ang iba ay kumakalat sa pamamagitan ng tubig. Pero napakaikli ng lifespan nito sa tubig. Samatala, itong bagong RR virus ay kayang kumalat sa pamamagitan ng body fluids, tubig at ang pinaka malala ay kaya nitong kumalat sa hangin! At mayroon itong lifespan na tatlong oras habang ito ay nasa hangin!"