Ilang mga tao pa ang lumusob mula sa hamog.
"Katulad nang inaasahan ng Tenth Prince at Young Master! Iniisip ko lamang kung gaano na sila katagal naghihintay rito!"
Saad ng binatang may dilaw na balat.
"Eh? Sino ang batang ito?"
"Bakit hindi ko siya naalala?!"
Napunta bigla kay Zhao Feng ang pokkus ng usapan.
Ang inisyal na lebel ng Star Origin Rea;m cultivation na may 15 taon ay lubhang ordinaryo lamang, kaya may mababang tingin sila sa batang ito.
Ngunit ngayon, kailangan nilang bantayan ang batang ito, dahil marahil na siya ang ikatlong marka matapos ang Tenth Prince at ni Young Master Wei.
Tanging ang Tenth Prince at Young Master Wei lamang ay may alam na si Zhao Feng ang unang dumating, ngunit hindi nila ito sinasabi.
Sa sandaling ito, lumabas si Hua Tianfeng mula sa hamog.
"Mapanganib!"
Noong makalabas lamang siya nakahinga.
Ngunit noong makita niya si Zhao Feng, nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.