Ang pagbabago sa ugali ng elder ay ikinagulat ng mga manonood. Ang iilan sa kanila ay nagbigay ng mga mapait na ngiti. Sa huli, hindi pa rin talaga papayag ang matanda.
Halata namang may galit ito at ayaw magpatalo, subalit ngayon, biglang nagbago ang kanyang ugali, at nakangiti na siya sa aroganteng si Zhao Feng.
Hindi nakikita ng mga may mas mababang cultivation ang katotohanan, subalit ang Southcloud City ang siyang pinakamayaman na siyudad dito, kaya maraming eksperto ang narito. Iilan sa kanila ang nakapansin na bumulong si Zhao Feng sa elder saka nagbago ang ugali nito.
Pumasok na ang grupo ni Zhao Feng sa restawran at umupo na sa mesa ng elder.
Isang waiter agad ang nagbigay ng iilang mga chopsticks, tasa, at mga mangkok.
"Isang tagay para sa pagpupugay ko sa Young Master!"
Itinaas ng elder ang kanyang tasa at ininom ang laman nito.