Ginamit ng limang mga God Eye Deities ang God Eye Fusion Art upang makabuo ng mas makapangyarihang Heavenly Dao God Eye.
Kahit na higit itong mas makapangyarihan, hindi naman ito matatag.
Kung tutuusin, ginawa ng limang Gods ito sa pamamagitan ng technique samantalang ginawa naman ito ng Heaven Lord sa pamamagitan ng paghigop ng mga mata niya sa enerhiya, kaya naman naging permanente na ang kaniyang mata.
Ang lahat ng nasa loob ng ilang sampung milyong li ay namangha sa nakakakilabot na kapangyarihan na ito.
Nawarak ang kalangitan at ang kalupaan samantalang nawala naman sa sistema ang araw at ang buwan. Ang mga nakapalibot na rehiyon ay lubhang nasira.
"Isang kapangyarihang higit pa sa taglay ng Heaven Lord?"
Nanginig ang Left Protector.
Sa puting barkong pandigma, inoobserbahan nina Liu Qinxin at Yu Tianwu ang labanan.