"Oras na… para tapusin ang labang ito!"
Sa loob-loob ng Life God, tamihik siyang bumuntong-hininga habang marahan at eleganteng lumalakad patungo sa unahan.
Sa sandaling sumali sa digmaan ang Life God, ang lugmok, marahas at puno ng dugong lugar na pinaglalabanan ay kumalma na.
Mayroong hindi nakikitang enerhiyang sumakop sa mundo at sa kapaligiran dito.
Sa sandaling ito, ang Life God ang naging sentro ng mundo, nagpapakawala ito ng nakamamanghang hamog.
Hindi mabilang na mga espirito at multo na umaatake sa mga puwersa ng Life Sacred Land ang nanginig sa takot, at ang epekto ng sumpa ay nabawasan na.
"Lord God!"
Yumukod si God King Radiant Peak bilang pagrespeto.
Dahil hindi na niya matanggal pa ang Ghostfiend Death Curse ng Left Protector, kinailangan nang mangialam ng Life God.
"Ang Life God, hm?"
Bumigat ang katawan ng Left Protector nang mayroong isang nakakalulang pakiramdam na bumalot sa kaniyang puso.