"Kahit na ang matandang ito ay hindi nagrerekomendang umalis ka, ang Heaven Defying Faction ay mukhang wala nang interes sa Ninth God Eye ngayon…"
Dagdag ni Yu Tianwu.
Marahil ay nagyabong na si Zhao Feng, ang pagkakataong matagumpay na mapigilan ang Ninth God Eye ay bumaba, na nagdahilan upang sumuko na lamang ang Heaven Defying Faction.
Gayunman, may isa pang posibilidad. Ang Heaven Defying Faction ay maaaring nagbago lamang ng pangunahing layunin nito.
"Ganoon ba?"
Si Zhao Feng ay nagulat.
Natural ay mabuting sumuko na sa Ninth God Eye ang Heaven Defying Faction. Nangangahulugan itong ang pag-alis niya rito ngauon ay mas mababa ang panganib.
"Feng, magkita muli tayo!"
Si Liu Qinxin ay nagpaalam na.
"Magkita muli tayo, ate Qinxin!"
Si Zhao Yufei ay tumawa.
Sa kaniyang panahon sa Sage Faction, ang kaniyang ugnayan kay Liu Qimxin ay naging mas mabuti na, at nakabuo na sila ng pagkakaibigan.