"Purgatory Sacred Land, God King Charflame!"
Banggit ni Beiming Hui habang gulat at nakatitig sa elder na nababalot ng matinding liwanag.
"Mukhang iniulat ng dalawang God Lords na iyon ang nagaganap!"
Nandilim ang mukha ni Xin Wuheng. Kung alam niyang ganito ang mangyayari, pinatay niya na sana si God Lord Bloodthirst at ang kanyang kasama.
"Ang God King ng Purgatory Sacred Land?"
Napasinghal si Zhao Feng sa kapanatagan.
Sa kanyang mata, ang God King ng Heaven Defying Faction ay higit na mas malakas kaysa sa God King ng isang Sacred Land.
Basta ba hindi nagmula ang God King na ito sa Heaven Defying Faction, may tsansa pa rin sila.
Mukhang sakto lamang angp pagdating ni God King Charflame ng Purgatory Sacred Land. Dahil marami sila, mukhang makalalaban sila.
"Kilala mo ang matandang ito?"
Tinignan ni God King Charflame si Beiming Hui.
Wala siyang impresyon sa Third Heaven God Lord na may Heaven Mending Race.