"Patayin silang lahat!"
Walang emosyon ang mukha ng Divine Emissary na tila ba walang kwenta ang pagkamatay ng mga God Lords na ito.
Dumagundong ang puso ng lahat dahil sa sinabi ng Divine Emissary.
"Hindi... hindi kayo magtatangkang patayin kami! Kami ay dalawang five-star na mga grupo ng Tianhe Zone!"
Nabalot ng takot ang mukha ng Vermillion Bird Pavilion Master.
Hindi niya naisip na ang Third Heaven God Lord na ito ay magsasabi ng ganoong bagay, na ipag-utos ang kanilang kamatayan.
Kailangan nilang malaman na mayroong dalawang five-star na grupo ng Tianhe Zone ang narito.
Kung mamamatay silang lahat, ang kabuuang lakas ng Tianhe Zone ay maaapektuhan.
Paniguradong maggagalit ang Sacred Land ng Tianhe Zone.
Hindi ba takot ang mga taong ito sa Sacred Land?
"Oo!"
Ang God Lords Tyrant Dragon at Heavenly Solitude ay hindi nagulat, tila inaasahan na nila ang sagot na iyon.