Kabanata 1453: Ang Origin ng True God Spirit Demon
"Dumating ka ba para harapin ang iyong kamatayan?"
Biglang lumitaw si Zhao Feng sa himpapawid.
Dahil sa kaniyang anyo, ang moral ng hukbo ng Great Gan Dynasty ay mabilis na umangat.
Tanging si Zhao Feng lamang ang maaaring humarap sa True God Spirit Demon.
Ngunit ang kaniyang mga salita, para sa kanilang paningin, ay masiyadong mapagmataas.
Silang pareho ay limitado lamang sa parehong antas pagdating sa kabuuang halaga ng paggamit ng kanilang mga kapangyarihan. Ang pagkamit ng pagkapanalo ay napaka-hirap, kaya mas maganda kung mapatay ang kalaban.
"Mm?"
Ang True God Spirit Demon, ay umupo sa kaniyang trono na yari sa mga buto, at saka tumitig kay Zhao Feng.
Sa kaniyang pag-oobserba ay napagtanto niyang hindi niya mabasa ang taong ito.
Kailangan maitindihan ng isa na sa kaniyang kataasan, ang True God Spirit Demon ay isa pa lamang Rank Six True God.