Habang siya ay patungo sa Continent Zone, ay inilabas ni Zhao Feng ang kaniyang Divine Sense upang obserbahan ang sitwasyon sa kaniyang paligid.
Napagtanto niya na ang karamihan sa mga pook sa Cang Ocean ay nasa ilalim ng digmaan.
Kung siya ay hindi lamang dadaan dito, ay pupuksain niya sana ang mga Evil Dao cultivator na nagsimula ng mga gulong ito.
"Ano kaya ang gingawa ng Mystic True Sacred Clan?"
Naisip ni Zhao Feng na bumalik sa clan na kaniyang pinagtuluyan noon.
Siya ay hindi nagtagal sa Mystic True Sacred Clan, o kahit pa ang magkaroon ng malalim na ugnayan sa kanila.
Ngunit ang Mystic True Sacred Clan lamang ang nagbigay kay Zhao Feng ng isang ligtas na kanlungan, na nagdulot sa kaniya upang maiwasan ang panghahabol ng Emperor of Death.
Kung hindi siya nagkaroon ng sandali upang habulin ang kaniyang paghinga, ay hindi sana magkakaroon si Zhao Feng ng oras upang mag-isip ng tama at saka matalo ang Emperor of Death.