"Napakalaki ng utang natin kay Zhao Feng!"
Mayroong mapulang kislap ang histura ni Ancient God Giant Devil habang mariin siyang nakatitig kay Zhao Feng.
Kung hindi napansin ni Zhao Feng ang kalaban nang hindi siya nakikita ng mga ito, at dahil din sa kaniyang pagsabi sa mga God Lords ng Giant God Hall, malamang ay mahihirapan silang makapatay ng God Lord mula sa panig ng kalaban.
Subalit walang nakakaalam kung paano nagawa ni Zhao Feng ito.
"Zhao Feng, maraming salamat sa pagpunta mo upang tulungan ang Giant God Hall!"
"Naging malaking tulong ka ulit sa amin!"
Nagpasalamat ang mga upper echelons na noon ay masama ang tingin kay Zhao Feng.
Nagsibalikan na ang lahat ng mga miyembro ng Giant God Hall sa Divine Kingdom.
Kahit na nakapatay sila ng isang God Lord ng Ancient Soul Hall, higit na mas malakas pa rin ang Ancient Soul Hall kumpara sa Giant God Hall.