Ang Scorching Underworld.
Ang God Lord Evil Spirit ay nasa gitna ng paghahanda sa kanilang pagtatago at pag-iimbestiga sa tatlong God Eye descendants at sa Destruction Dragon.
"Isang God Lord Will?"
Biglaan, itinaas ni God Lord Evil Spirit ang kanyang ulo sa pag-aalala.
Ramdam niya nang bahagya ang malayong God Lord Will na iyon.
"Hindi kaya nagkaroon ng isang God Lord ang Giant God Hall?"
Nagitla si God Lord Evil Spirit.
Subalit kung totoo ito, itinago dapat siya ng Giant God Hall bilang kanilang alas sa pagkakakataon ng malaking labanan. Hindi nila dapat itong ihayag nang ganito.
"Sino iyan?"
May naramdaman si God Lord Evil Spirit at napalingon siya.
"God Lord Evil Spirit, talagang naging matapang ka na at mag-isa kang maglalakbay!"
Isang kulay itim na anyo ang dahan-dahang lumabas mula sa kawalan.
"God Lord Gloomheaven!"
Natuwa si God Lord Evil Spirit.