Kapag hingi na nagpigil at ginamit na ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang kapangyarihan, madali lamang niyang mapapatay ang lahat ng nasa ilalim ng half-step God Lord level.
Swoosh! Swoosh!
Kahit saan siya magpunta, mayroong dugong dadanak, na nakagagawa ng pulang daan.
"Ah…!"
Napuno ng mga sigaw ang himpapawid sa paligid habang ang mga eksperto ay nagsitakasan sa pagkataranta at pangingilabot.
Thwish!
Ang bilis ni Zhao Feng ay nagpahintulot na walang makalaban sa kaniya, at mabilis din siyang nakahabol sa mga tumatakas.
"Mamatay na kayo!" Sa isang galaw ng Chaos Origin Divine Sword at isang pilak na liwanag, ang isang Rank Nine Ancient God ay nahati sa dalawa, na namatay sa parehong katawan at kaluluwa.
Makalipas ang ilang sandali, ang lahat ng mga Ancient God na naghahandang tulungan ang Ancient God Iceflame ay napatay lahat. Dahil dito ay nagalit ang lahat ng mga miyembro ng Blazing Gold Race.