"Umatras at protektahan!" kaagad n autos ng Ancient God Blue Distance.
Ngayon, ang kanilang pag-asa ay ang depensahan ang Celestial Net Sect at maghintay ng mga tulong.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang mga taong sumugod sa Celestial Net Sect ay kaagad na umatras sa loob.
"Hindi ko naisip na ang Blazing Gold Race ay magpapadala ng isang Rank Nine Ancient God!" nag-aalalang sinabi ng isang elder na may puting buhok. Ito ay walang iba kung hindi ang Sect Master ng Celestal Net Sect, isang Rank Eight Ancient God.
"Ang matandang lalaking iyon ay marahil ang Ancient God Darkcow ng Blazing Gold Race." Seryosong tumingin ang Ancient God Blue Distance sa matanda.
"Ang marahas at uhaw sa dugong Ancient God Darkcrow na mahilig humuli ng mga kalaban at unti-unting pahirapan hanggang sa kamatayan?" Isang lalaking may katamtamang edad na Ancient God ang biglang nanginig.