Ang magulo at bayolenteng mundo ay bumalik na rin sa kalmadong bersyon nito.
Bumuntong hininga si Zhao Feng sa kapanatagan, isang natutuwang tingin ang nasa mukha niya. Kahit siya ay nagtataka kung paano niya nagawang labanan ang atake ni Yu Heng.
"Ligtas na tayo?" Nawala na sa pagkatulala si Ancient God Resplendence, at tumingin siya kay Zhao Feng habang maningning ang mga mata.
"Paano niya iyon nagawa?" Napabulalas sa gulat si Ancient God Cheng Yun.
Meow!
Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon sa balikat ni Zhao Feng at nagsimulang sumayaw na tila ba pinupuri si Zhao Feng.
Sa isang distansya:
"Hindi ko maisip na may ganoong klaseng kapangyarihan pala!" Nakatulala rin si Xin Wuheng, ang kanyang isip ay gulat na gulat habang nakatitig siya mula sa malayo kay Zhao Feng. Naunawaan niyang muli, kahit na may namana siyang lakas mula sa kanyang nakaraang buhay, na malalagpasan pa rin talaga siya ni Zhao Feng.