Natutunan na ni Zhao Feng ang kanyang technique sa spatial na pagtatago mula sa Ancient God Luo Ling ng Spacetime Sacred Land. Maaari niyang itago ang kanyang sarili sa kawalan habang mabilis na gumagalaw at hindi napapansin.
Si Xin Wuheng naman, naabot niya na ang napakataas na lebel ng kapangyarihan na maaari niyang isama ang kanyang aura sa bumabalot na kawalan. May matindi rin siyang pang-unawa sa tesorerya, kaya nama'y nararapat siyang maging isa sa mga manloloob.
Matapos madaanan ang pangunahing bulwagan, bahagyang natigil si Xin Wuheng.
"Malaki ang ipinagbago sa pagkakaayos ng lugar na ito. Ang lugar kung saan itinatago ang mga kayamanan ay wala nang laman lahat," saad ni Xin Wuheng kay Zhao Feng.
Matapos ang lahat, ang grupo ng tigreng pilak na mga Yao Gods ay matagal nang sinakop ang Giant God Race na tesorerya. Imposibleng hayaan nilang manatili ang mga kayamanan nang matagal. Panigurado'y inalis at pinaghati-hatian na nila ang mga kayamanan.