"Wuheng, may balak kang ibunyag ang sikreto ng Giant God Race sa isang tagalabas?" Isang matanda at kapita-pitagang boses ang siyang umalingawngaw sa palasyo.
"Tintulungan niya akong protektahan ang Ancient God Seal buong pagkakataong ito, at ngayong personal niya itong ibinalik sa akin, walang dahilan para hindi ako maniwala sa kanya!" Pirmi lamang ang ekspresyon ni Xin Wuheng.
Malinaw na nauunawaan ni Zhao Feng na ang Ancient God Seal ay may isang pangunahing sikreto, subalit nagpunta pa rin siya dito at ibinigay ito nang personal at kusa. Kaya, wala namang mali na sabihin kay Zhao Feng ang sikreto ng Ancient God Seal.
"Dati, ang Giant God Race ko ay malaki rin ang tiwala sa Ancient Soul Race, subalit ano ang nangyari?" Muli na namang nagsalita ang matandang boses, lalo itong nawawalan ng pag-asa at napupuno ng galit.