Habang papalapit ang Ancieny God Luo Ling sa isang lugar, bigla siyang nakaramdam ng spatial disturbance sa bakanteng bahagi ng silid, ngunit hindi siya nagpadalos-dalos.
Sa sandaling ito, isang bola ng makulay na ulap ang lumitaw.
"Sino ka?" Ang mga mga ng Ancient God Luo Ling ay nagdilim. Kahit na anong tindi niyang tignan ang bola ng ulap, hindi niya makita ang nasa loob nito.
Ang tanging dahilan kung bakit hindi pa siya umaatake ay dahil may naramdaman siyang taong nagtatago sa loob ng ulap na maaaring miyembro ng Heavenly Demon Hall. Kung ang taong ito ay hindi nabibilang sa Heavenly Demon Hall, maaaring isa lamang itong nanghimasok na tao.
"Nagtulungan na tayo kanina. Nakalimutan mo ba kaagad ako?" Si Zhao Feng ay bahagyang ngumiti.
"Ikaw iyon?" Ang mga mata ni Ancient God Luo Ling ay napatigil, na malinaw na nagpakita ng bahagyang gulat.