"Talagang naiwasan iyon?" Ang walang emosyong boses lamang ni Ancient God Profound Devil ang maririnig sa katahimikan.
"Ano bang klase ng kapangyarihan iyon?" Nanginginig na sambit ng matandang nakalila na mula sa Blazing Gold Race.
Nakapatay agad ito ng isang Rank Seven Ancient God nang hindi man lamang ito binibigyan ng pagkakataong makapalag, at winasak din nito ang kaniyang kaluluwa. Kahit sinong matatamaan ng kadenang ito ay magkakaroon ng ganoong kapalaran.
Sa tabi, si Ancient God Giant Spirit ay lubhang namutla, ang kaniyang puso ay labis na kumakabog sa sobrang takot. Kahit na siya'y isang Rank Eight Ancient God, kung hindi niya iniwasan ang atakeng iyon kanina, malamang ay napaslang na rin siya.
Nanigas ang ekspresyon ni Zhao Feng. Noon sa Continent Zone, noong ginamit nila ang lihim na technique ni Sacred King Samsara, hinigop nito ang lahat ng kanilang enerhiya, kaya't ang kapangyarihan ng atake ay napakalakas at napakahirap nitong iwasan.