"Haha, matapos ang matagal-tagal na pakikipaglaro namin sainyo, oras na para tapusin ang lahat!" Malamig na sambit ni Ancient God Profound Devil.
Noong una, plinano nilang tatlong pagtagpuin ang tatlong mga grupo nila sa core area atsaka patayin sila upang sabay-sabay nilang paslangin ang mga God Eye descendants. Subalit, nasira ang plano nila sa paglitaw ng Blazing Gold Race.
Kahit na labis na mapinsala ang magkabilang panig at kahit na gaano katindi ang kanilang paglalabanan, walang paraang naihanda ang tatlong mga lider ng grupo upang linisin ang kalat nila. Kaya't, tumakas ang payat na babae upang hanapin ang ibang mga kakampi nila. Ngayon ay nagtipon-tipon na silang anim, at hindi na nila kailangang tumakas pa.
Lumakad na rin papunta sa unahan ang lima. Silang anim ay nakatayo sa isang hanay, puno ng kahanga-hangang Origin energy ang kanilang mga eye-bloodlines.
Hindi maganda… Nagsimula nang kumabog ang puso ni Zhao Feng, at siya'y napailing.